NTF, nabahala sa health protocol violations sa rollout ng Pfizer COVID-19 vaccine sa isang mall sa Parañaque

Nababahala ang National Task Force against COVID-19 sa kawalan ng social distancing ng mga nagpabakuna ng Pfizer COVID-19 vaccine sa isang mall sa Parañaque City.

Bago ang rollout, inanunsyo ng Parañaque City Government na ang event ay para lamang sa mga naka-schedule na pasyente na mayroong slots.

Pero lumalabas sa mga litrato at video ng mga netizens sa social media na dinagsa ito ng maraming tao at hindi nasunod ang physical distancing.


Ayon sa NTF, bagamat nagpapakita ito ng kagustuhan ng mga Pilipino na magpabakuna ay mahalaga pa ring nasusunod ang health protocols.

Susuporta ang NTF sa mga local government units (LGUs) para tiyaking natutupad ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy.

Facebook Comments