Nuisance candidates, dapat seryosohin ang paghahain ng COC – COMELEC

58

Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga nuisance candidate na seryosohin ang paghahain ng certificates of cancidacy (COC).

Ang COC filing para sa May 2022 elections ay itinakda na sa Oktubre.


Pakiusap ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, na huwag gawin itong ‘hobby’ at katuwaan lamang.

Hindi dapat ito gawing para sumikat sa Facebook at Instagram.

Iginiit ni Guanzon na huwag dapat magpasa ng COC kung hindi seryosong tatakbo sa susunod na halalan.

Umaasa ang poll body na hindi na ma-e-extend ang COC filing.



Facebook Comments