NUMBER 1 | Album ni Justine Timberlake, nangunguna sa US Billboard sa kabila ng mga negatibong review

30

Amerika – Nasungkit ng American singer na si Justin Timberlake ang no. 1 spot sa US Billboard 200 album chart.

Ito ay dahil sa hit album nito na “Man of the Woods” kahit pa umani ito ng hindi magagandang reviews mula sa mga music critics, maging sa mga netizens.

Nabatid na naibenta na ang mahigit 242,000 units ng kauna-unahang album ni Timberlake simula pa noong 2013.

Ang latest album ng dating Nsync Singer ang pang-apat sa kanyang mga album na nakuha ang top spot sa Billboard.

Ito rin ang itinuturing na biggest-selling album ngayon sa Amerika matapos ang “reputation” album ni Taylor Swift noong December 2017.

Facebook Comments