Number 1 most wanted person sa lalawigan ng Quezon nahuli

51

Arestado ang number 1 most wanted person sa lalawigan ng Quezon sa ikinasang operasyon ng Quezon Police Provincial Office, kahapon ng umaga.

Ayon kay Quezon Police Provincial Director Police Cole Audie Madrideo, kinilalang ang suspek na si Dennis Barretto, 34-anyos, residente ng Mabini St., Barangay 5 Poblacion, Quezon at nahaharap sa kasong murder at frustrated homicide.


March 23, 2016 nang makapatay si Barretto gamit ang improvised gun dahil sa sobrang kalasingan, habang May 4, 2015 nang managa naman ang suspek na dahilan ng pagkasugat sa kaliwang tainga ng kaniyang biktima.

Sa ngayon nakakulong na ito sa Quezon Municipal Police Station.

Facebook Comments