Nurse sa isang elderly care facility sa Canada, inamin ang pagpatay sa walong matatandang pasyente

Canada – Inamin ng isang nurse ng isang elderly care facility ang pagpatay nito sa walo niyang matatandang pasyente.

Naghain ng guilty plea si Elizabeth Wettlaufer para sa kasong murder sa limang matatandang babae at tatlong matatandang lalaki mula 2007 hanggang 2014.

Ayon kay Wettlaufer sa korte – nag-inject siya ng insulin sa mga pasyente nang walang kadahilanang pang-medikal, na siyang ikinasawi ng mga ito.


Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang motibo niya sa kaniyang ginawa.
DZXL558

Facebook Comments