NYC chief, ‘di hihingi ng tawad sa mga gov’t scholars

45

Manila, Philippines – Nanindigan si National Youth Commission (NYC) Chairperson Ronald Cardema na hindi siya hihingi ng sorry sa mga government scholars.

Ito ay kasunod ng kanyang pahayag na tanggalan ng scholarships ang mga estudyanteng “anti-government”.

Ayon kay Cardema – hindi rin siya magbibitiw sa pwesto kahit ipinapanawagan ng ilang grupo na siya ay dapat mag-resign.

Una nang iginiit ng NYC official na ang nararapat na tanggalan ng scholarships ay ang mga estudyanteng napatunayang sumusuporta sa komunistang grupo.

Facebook Comments