OBSESSED? | Isang karpintero, arestado matapos halikan ang kanilang babaeng timekeeper

423

Davao City – Kulong ang isang karpintero matapos halikan ang kanilang babaeng timekeeper habang nasa construction site sa Davao City.

Nakilala ang suspek na si Adriano Mahomoc, 32-anyos habang ang biktimang dalaga ay itinago sa alyas na Jeannette.

Sa ulat ng Talomo PNP, habang nasa construction site sa isang paaralan sa bangkal sa Davao City, biglang hinalikan ng suspek ang kanilang timekeeper dahilan para magalit ito.

Matapos makita ng ibang mga empleyado ang nasabing insidente, binugbog nila si Adriano bago dinala sa presinto.

Inamin ng suspek ang krimen at nagawa lamang niya ang paghalik dahil sa sobrang pagkagusto kay alyas Jennette.

Facebook Comments