Occupancy rate sa Pasay City General Hospital, tuluyang naibaba sa 37%

18

Naibaba na sa 37% ang occupancy rate ng confirmed COVID-19 ward ng Pasay City General Hospital (PCGH).

Sa ngayon ay may apat na available Intensive Care Unit (ICU) beds ang PCGH habang may labing anim ito na regular beds para sa COVID-19 patients.


Muli ring binuksan ng PCGH ang emergency room nito para tumanggap ng mga confirmed at non-COVID-19 cases.

Nasa 70% naman ang occupancy rate ng COVID-19 transition wards nito.

Isang empleyado naman ng ospital ang mayroong mild symptoms ng COVID-19.

Facebook Comments