OCD AT PAF, nagsagawa ng aerial inspection sa mga lugar na naapektuhan ng 7.4 na lindol sa Davao Oriental

Nagsagawa ng aerial inspection ang Office of Civil Defense (OCD) Region 11 at ang Philippine Air Force sa mga lugar na naapektuhan ng 7.4 na lindol sa Davao Oriental.

Bukod sa nasabing inspeksyon ay nagsagawa din ng rapid assessment ang ahensya.

Para masiguro ang monitoring at ang mobilisasyon ng mga resources ay itinaas na sa red alert status ang emergency operations center ng OCD Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 11.

Layon nito na maging mabilis ang koordinasyon sa mga local government units at agarang marespondehan ang kahit na anong pangangailangan sa lugar.

Hinimok naman ng ahensya ang publiko na maging alerto, sundin ang mga official advisories at ireport ang mga insidente sa opisina ng lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC).

Facebook Comments