Nakaantabay at nakatutok pa rin ang hanay ng Civil Defense Ilocos Region sa muling pagbubukas ng klase ngayon taon.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay OCD Region 1 Spokesperson, Adreanne Pagsolingan, bagamat sila ay nasa white alert status ay nakahanda naman ang kanilang mga member agencies at mga kagamitan.
Siniguro rin nito ang kanilang augmentasyon sakaling kailanganin.
Samantala, inilahad nito na pangkalahatang naging mapayapa ang pagbubukas ng klase noong araw ng lunes.
Aabot sa higit kalahating milyon o 677,000 ang naka-enroll sa buong rehiyon uno. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments