OCTA, nagbabala sa COVID-19 transmission sa indoor dining

66

Nagbabala ang OCTA Research Group sa COVID-19 community transmission sa indoor dining.

Ito ang sinabi ng grupo sa harap ng pagpapahintulot muli ng pamahalaan sa limitadong kapasidad ng mga dine-in operations sa mga food establishments.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, importanteng may limitadong mobility at mababang human interaction lalo na sa indoor setup.


Mayroon dapat maayos na ventilation sa indoor dining establishments para maiwasan ang community transmission.

Facebook Comments