Octa Research Group, hinimok ang pamahalaan na panatilihin ang pagbakuna ng 200,000 doses kada araw

23

Hinimok ng OCTA Research Group ang gobyerno na dapat mapangalagaan ang 200,000 doses daily para makamit ang herd immunity sa Pasko.

Ayon kay OCTA Research Fellow Guido David, dapat gawing prayoridad ang Metro Manila sa inoculation campaign bilang “whole country strategy.”


Aniya, oras na maresolba ang problema sa Metro Manila, madali ng mapapababa ang kaso sa mga lalawigan.

Giit ni David, batid naman natin na ang Metro Manila ang episentro ng virus at ito rin ang economic capital ng bansa.

Facebook Comments