OCTA Research, inirekomendang dagdagan ang mga lugar na sakop ng NCR Plus

42

Iminungkahi ng OCTA Research Group sa pamahalaan na dagdagan ang mga lugar na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David na layon nitong madagdagan ang mga lugar na maituturing na areas of concern.


Sa ngayon, maaari aniyang i-retain ang NCR Plus 8 o ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu at Davao city.

Kabilang sa mga lugar na idadagdag sa NCR Plus 8 na kasalukuyang nakararanas ng COVID-19 surge ay ang Bacolod, Iloilo, Cagayan de Oro at Baguio City.

Ang mga nabanggit na lugar ay dapat ding buhusan ng bakuna ng pamahalaan upang makontrol ang pagtaas ng kaso sa kanilang lugar.

Facebook Comments