October 4, Posibleng Ideklarang ‘Holiday’ bilang Pagpupugay sa mga Guro!

73

*Cauayan City, Isabela- *Inihain ni Cauayan City Councilor Garry Galutera ang pagpasa ng isang resolusyon sa konseho para sa darating na October 4 upang bigyan ng pagpupugay ang mga guro sa kanilang nai-ambag sa lipunan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Teachers’ Month sa buong bansa.

Ayon kay Coun. Galutera, Chairman ng Committee on Education, ilan sa mga nakahanay na aktibidad para sa darating na ika-apat ng Oktubre ay ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pampasaherong tricycle, libreng panonood ng sine at pagbibigay ng diskwento sa mga restaurant.


Kaugnay nito, makikipagpulong si Councilor Galutera sa mga may-ari ng restaurant maging sa sinehan sa kilalang mall sa Lungsod upang ipabatid ang ang kanilang aktibidad.

Nagpapasalamat naman si Galutera sa mga guro dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho at ang pagbabahagi ng kaalaman sa mga mag aaral.

Ang iba pang mga aktibidad na nakahanay sa nasabing araw ay idaraos sa F.L Dy Coliseum ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments

From Advertisers