OF Bank, kauna-unahang branchless lender – DOF

Magiging kauna-unahang branchless digital lender sa bansa ang Overseas Filipino Bank (OF Bank).

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, mga financial service nakapaloob sa OF Bank ay lending, investments, insurance, bills payment, at iba pa na gumagamit ng internet.

Inaasahang nasa higit 10 milyong OFW ang makikinabang sa serbisyo ng OF Bank.


Para sa finance chief, mahalagang maging digital ang transaction upang mabilis na maabot ang mga potential customers.

Ang OF Bank, ay dating Philippine Postal Savings Bank.

Facebook Comments