Office of the Senate Secretary, hindi pa nakakagawa ng official report tungkol sa articles of impeachment ni VP Sara Duterte

Nagpaliwanag si Senate Secretary Renato Bantug kung bakit hindi nabanggit sa plenary session ng Senado ang natanggap na articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Paliwanag ni Bantug, gagawa pa siya ng official report ng natanggap na verified impeachment complaint na kanyang isusumite naman kay Senate President Chiz Escudero.

Bilang Senate Secretary ay tungkulin niyang magbigay ng kumpletong staff work sa lider ng Senado at sa lahat ng mga myembro ng mataas na kapulungan.


Sinabi pa ni Bantug na nilinaw niya rin ang prosesong ito kay House Secretary General Reginald Velasco para matiyak na anumang naisumite ng Kamara ay pareho sa natanggap ng Senado.

Nagsimula na rin aniya sila ng proseso ng pagkukumpara at pag-ma-match ng mga dokumento para masigurong magkapareho ito.

Kagabi ay nag-adjourn na ang sesyon ng Kongreso para bigyang daan ang tatlong buwan na break sa 2025 midterm election at sa June 2 na muling magbubukas ang sesyon.

Facebook Comments