Official logo ng 2023 FIBA World Cup, isinapubliko na

47

Ipinakita na sa publiko ng FIBA ang opisyal na logo para sa 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas, Japan at Indonesia.

Ayon sa FIBA, ang ibig sabihin ng logo ay pagpapakita ng hilig ng mga mamamayan ng nasabing bansa sa basketball.


Makikita sa logo ang puso kung saan sa gitna nito ay ang Naismith Trophy habang ang kahulugan ng tumitibok na puso ay pinagkakaisa ang milyong fans.

Gaganapin ang torneo mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 sa Manila, Okinawa at Jakarta.

Facebook Comments