
Cauayan City – Matagumpay na isinagawa noong Mayo 20, 2025 ang Pre-Registration Seminar ng Cooperative Development Authority (CDA) sa Barangay Burgos, Ramon, Isabela.
30 miyembro ng Burgos Ramon OFW Association ang nabigyan ng mahalagang kaalaman ukol sa pagbuo at pamamahala ng isang kooperatiba.
Binigyang diin ng OWWA Officials ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matatag at sustenableng samahan ng mga OFW sa pamamagitan ng kooperatiba.
Layunin ng inisyatibong ito na patatagin ang mga samahang OFW sa Rehiyon 2 upang makamit ang pangmatagalang katatagan sa ekonomiya at pagsasarili.
Facebook Comments