
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakauwi na ng bansa ang OFW mula Kuwait na may cervical cancer.
Ang OFW na si Catherine Pamatian ay agad na dinala sa OFW Hospital sa San Fernando, Pampanga para i-confine.
Ayon sa DMW, dahil sa medical condition ni Pamatian, hindi na nito natapos ang kanyang kontrata sa Kuwait bilang domestic worker.
Pinayagan naman siya ng kanyang employer na agad na makauwi ng Pilipinas para mabigyan ng atensyong medikal.
Taong 2017 nang magsimulang magtrabaho sa Kuwait ang naturang Pinay OFW.
Facebook Comments