OFW na pinatay sa Kuwait, biktima rin ng sexual abuse, ayon sa DOJ

96

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na dumanas ng sekswal na pang-aabuso ang OFW na pinatay sa Kuwait na si Jeanelyn Villavende.

Ito ay batay sa autopsy report ng National Bureau of Investigation.


Ayon kay Secretary Guevarra, lumalabas kasi na may lacerations si Villavende sa kanyang genital at anal area.

Aniya, patuloy din ang laboratory examination ng NBI sa mga labi ni Villavende.

Nilinaw din ng kalihim na wala na ang ibang internal organs ng OFW dahil isinailalim na rin ito sa autopsy sa Kuwait.

Sinabi pa ni Secretary Guevarra na nakahanda rin ang DOJ na makipagtulungan sa gagawing paglilitis sa kaso sa Kuwait.

Maari aniyang magamit bilang ebidensya ang autopsy report ng NBI at kung sakaling may testigo mula sa Pilipinas na kailangang magbigay ng testimonya sa Kuwait, nakahanda ang DOJ na tumulong.

Facebook Comments