OFW sa Morocco na gustong tumakas sa amo, patay nang mahulog sa building

335

Nasawi ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos mahulog mula sa building nang subukang takasan ang kaniyang employer sa Morocco, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon sa ulat ng Philippine Embassy sa Tripoli, na may hurisdiksyon sa Morocco, ikinamatay ng 49-anyos na Pinay ang mga natamo nitong pinsala sa pagkakabagsak mula sa ikatlong palapag ng apartment sa Casablanca, Sabado, June 22.


Nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at employer nito kaya sinubukan nitong tumakas sa building gamit ang mga damit na pinagdugtong-dugtong.

Isinailalim naman ng awtoridad sa kustodiya ang employer habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Nagpadala na ang embahada ng grupong maaaring makipagtulungan sa awtoridad at mag-asikaso ng kakailanganin para maiuwi ang mga labi ng Pinay.

Hindi naman agad isiniwalat ng DFA ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa gumugulong pang imbestigasyon at hindi pa naipagbibigay-alam sa mga kaanak nito ang nangyari.

Facebook Comments

From Advertisers