OFWs at kanilang pamilya, inalerto ng DMW kaugnay ng tumataas na COVID-19 cases sa ilang bansa sa Southeast Asia

Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya sa harap ng pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang bansa sa Southeast Asia.

Pinapayuhan din ng DMW ang OFWs na sundin ang health at safety protocols sa bansa na kanilang pinagtatrabahuhan.

Tiniyak din ni Migrant Workers Sec. Hans Leo Cacdac na nakahanda ang DMW Migrant Workers Offices sa Southeast Asia sa Pinoy workers na mangangailangan ng tulong.

Una na ring kinumpirma ng Department of Health ang 87 percent na pagbaba ng kaso ng COVID-19 at ng fatalities sa bansa kumpara sa nakalipas na taon.

Nangangahulugan anila na hindi naman alarming ang kaso ng infection sa bansa.

Facebook Comments