OFWs, nabunutan ng tinik sa pinatutupad na OFW identification card

27

Manila, Philippines – Pawang positibo ang reaksyon ng mga papaalis na OFWs sa pinatutupad na OFW identification card.

Anila, sa pamamagitan ng OFW ID card, napapabilis ang kanilang paglakad ng kanilang travel documents.

Ayon din sa OFW na si Ar-Ar Acebuche , isang OFW na patungong Riyadh, Saudi Arabia, malaking ginhawa sa kanila ang OFW identification card dahil hindi na sila nagpi-prisinta sa Immigration counters ng Overseas Employment certificate.

Ang OFW ID card ay maaari ring iprisinta para ma-exempt sa pagbabayad ng terminal fee at travel tax ang mga uma-alis na Filipino workers.

Facebook Comments