OFWs sa taiwan, inalerto na rin kaugnay ng Novel Corona Virus matapos maitala ang 1 kaso doon

156

Pinag-iingat na rin ng Manila Economic and Cultural o MECO POLO sa Taichung,Taiwan ang mga Pilipino doon.

Ito ay matapos na may kumpirmadong kaso na rin ng nasabing sakit sa Taiwan.


Pina-alalahanan ng MECO POLO Taichung ang OFWs doon na panatilihin ang kalinisan at iwasan munang magtungo sa mga matataong lugar

Hinimok din ng nasabing tanggapan ang mga Pinoy sa Taiwan na agad na makipag-ugnayan sa kanila sakaling may alam silang kaso ng Pinoy na nahawaan ng novel coronavirus.

Facebook Comments