Ogie Alcasid, nagnegatibo na sa COVID-19

Nagnegatibo na ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid matapos magpositibo ito sa first rapid test nila sa isang variety show.

Say ni Ogie, ito rin daw ang dahilan kung bakit hindi muna siya gumamit ng social media accounts noong mga nakaraang araw.

Dagdag pa ng singer-songwriter, asymptomatic siya at ibinahagi rin niyang sa una at pangalawa niyang test ay nagnegatibo siya at sa pangatlong test lang ito nagpositibo.


Nabatid na sumailalim din si Ogie sa swab test para sa confirmation noong Lunes at lumabas naman ang resulta noong Biyernes na nagnegatibo na nga siya sa COVID-19.

Facebook Comments