OHCC, nakahandang magdagdag ng tauhan sakaling muling tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa

42

Tiniyak ng One Hospital Command Center (OHCC) na handa ang kanilang hanay sakali mang kailanganing magdagdag ng tauhan.

Pahayag ito ni OHCC Operations Manager Dra. Bernadette Velasco, kasunod ng naitalang kaso ng BA.2.12 sub-variant ng Omicron sa Pilipinas.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Velasco na umaasa sila na hindi dadagsa ang mga tawag sa mga susunod na araw dahil sa sub-variant na ito.


Gayunpaman, handa aniya ang kanilang hanay sakaling muling magkaroon ng surge sa bansa.

Patuloy aniya ang ginagawa nilang pagpapaigting sa kanilang proseso, at pagpapaikli ng turnaround time sa mga natatanggap nilang tawag.

Sa kasalukuyan, naglalaro pa rin sa 200 tawag kada araw ang natatanggap ng OHCC at karamihan pa rin sa mga ito ay walang kinalaman sa COVID-19.



Facebook Comments