OIC ng BuCor, pinangalanan na

101

 

Manila, Philippines – Itinalaga bilang Officer in Charge Director General ng Bureau of Corrections si Rey Raagas.

Sa Department order ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, itinalaga si Raagas bilang kapalit ni Bucor Director General Benjamin Delos Santos na naghain ng kanyang irrevocable resignation kamakailan kay Aguirre.

Si Raagas ay gagampan ng kanyang tungkulin bilang Director General at iba pang ministerial duties sa BuCor.

Ang nasabing kautusan ay effective immediately at mananatiling epektibo hangga’t wala pang pormal na itinatalaga sa kawanihan.

Matatandaang nagbitiw si Delos Santos bilang Director General ng BuCor dahil sa sinabi ni Sec. Aguirre na muling namayagpag ang ilegal na droga sa New Bilibid Prisons.

Facebook Comments