Oil and gas deposits ng Liguasan Marsh, dapat mapakinabangan

641

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga residente ng Maguindanao na magbahagi sakaling mayroong oil and gas deposit sa Liguasan Marsh.

Ayon sa Pangulo – mapapakinabangan ito lalo at nakadepende lamang ang Pilipinas sa inaangkat na langis.

Nakiusap din ang Pangulo kay Maguindanao 2nd District Representative Zajid Mangudadatu na magbahagi ng potential oil reserves sa mga kapwa Pilipino.

Una nang ibinunyag ni Mangudadatu na nagkakahalaga ng $1 billion ang hindi pa nagagalaw na oil at gas reserves sa Liguasan Marsh.

Facebook Comments