OIL PRICE HIKE | Mga PUJ drivers magwewelga ngayong araw

52

Manila, Philippines – Magkakasa ng kilos protesta ngayong araw ang transport group na Piston.

Ayon kay Piston President George San Mateo kakalampagin nila ang tanggapan ng Shell sa Makati City mamayang alas dyes ng umaga upang kundenahin ang muling pagtataas ng produktong petrolyo.

Hatinggabi kanina nang ipatupad ang higit sa pisong dagdag singil sa kada litro ng diesel habang halos piso naman ang taas singil sa gasoline.

Sa datos ng Piston ito na ang ika apat na beses na pagtataas ng produktong petrolyo simula nitong mga nakalipas na buwan.

Paliwanag ng grupo kung magtutuloy-tuloy pa ang taas singil sa produktong petrolyo mapipilitan din silang ihirit ang taas singil sa pasahe.

Facebook Comments