Oil price rollback, aarangkada ngayong linggo!

Matapos ang ilang linggong oil price hike, bawas-presyo naman ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.

 

Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.55 ang rollback sa presyo ng kada litro ng diesel.

 

Nasa P0.40 hanggang P0.50 naman sa gasolina at P0.50 hanggang P0.60 sa kerosene.


 

Kaninang alas 6:00 ng umaga, nauna nang nagpatupad ng rollback na P0.35 sa gasolina at P0.45 sa diesel ang phoenix petroleum philippines.

 

Sa katapusan din ng mayo posibleng matapyasan ang presyo ng Liquified Petrolium Gas (LPG).

 

Bagsak kasi ng mahigit 100-US dollars ang contract price ng LPG sa world market.

 

Gayunman, posible pang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

 

Facebook Comments