Oil price rollback – gugulong sa susunod na linggo

91

Manila, Philippines – Matapos ang sunud-sunod na linggong oil price hike, bawas-presyo naman ang sasalubong sa mg motorista sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry sources, matapos ang trading hanggang araw ng biyernes, mababawasan ng P0.05 hanggang P0.15 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang P0.30 hanggang P0.40 naman sa kerosene.

Wala namang pagbabago sa presyo ng gasolina pero posibleng tumaas ang presyo nito ng P0.20 kada litro dahil sa ethanol.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.

Facebook Comments

From Advertisers