Oil tanker na sumabit sa nakalatag na bakal sa kalsada ng Legarda, Maynila, nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko

73

Nagdulot ng pagsikip ng daloy ng trapiko ang isang oil tanker na nasira sa kahabaan ng Legarda Street sa Maynila.

Ayon sa driver ng tanker na si Edgardo Romero, sumabit ang tubo ng diesel ng truck sa bakal ng kalsada matapos nila itong madaanan.

Aniya, hindi maayos ang pagkakatakip o pagkakalatag ng bakal sa lubak kaya ng madaanan nila ito ay umangat ang likurang bahagi kaya sumabit ang tubo ng diesel ng truck.


Nangyari ang insidente ng alas-9:30 ng umaga kung saan tumagas sa kalsada ang diesel na gamit ng tanker.

Dahil dito, agad rumesponde ang mga tauhan ng Manila Fire Department para malinis ang tagas na diesel at ilang oras ang lumipas para tuluyang maialis ang truck saka nalinis ang iba pang nagkalat na langis.

Facebook Comments