Oklahoma City Thunder, tabla na sa Houston Rockets sa Western Conference Playoffs; Milwaukee Bucks, isang panalo na lang para maka-abanse sa Eastern Conference Playoffs

41
Courtesy: The Dream Shake

Nagsanib pwersa sina NBA veteran Chris Paul at Dennis Schroder ng Oklahoma City Thunder para itabla sa 2-2 ang Western Conference Playoffs series kontra sa Houston Rockets, 117-114.

Nagtala sina Paul at Scroder ng 56 combined points para maiwasang mabaon ang kanilang koponan.


Sa Eastern Conference Playoffs naman, isang panalo na lang ang kailangan ng Milwaukee Bucks para maka-abanse sa next round ng NBA Playoffs matapos talunin ang Orlando Magic sa score na 121-106 sa game 4 ng kanilang serye.

Bumida si NBA Most Valuable Player Giannis Antetokounmpo matapos na makapagtala ng 31 points, 15 rebounds at walong assists.

Facebook Comments