
Tiwala ang ilang mga senador sa kakayahan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Ayon kay Senate President Tito Sotto III, welcome ang pagkakatalaga ni Remulla mula Justice Department patungong Ombudsman.
Nangangahulugan lamang na si Remulla ay tagapagtanggol at protektor ng mamamayan at wala ring takot sa paghahanap ng katotohanan at katarungan.
Napapanahon naman para kay Senator Sherwin Gatchalian ang pagkakatalaga ni Remulla sa Ombudsman dahil nahaharap ang bansa sa seryosong hamon ng katiwalian sa gobyerno.
Nakatutok aniya ngayon ang mga Pilipino sa tiyak at patas na aksyon ni Remulla sa paglaban nito sa korapsyon.
Umaasa si Gatchalian na ang appointment ni Remulla sa Ombudsman ay magpapabalik sa tiwala ng taumbayan at magpapanagot sa mga tiwali sa pamahalaan.









