
Iginiit ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla na maging independent at maging tapat lamang sa mamamayang Pilipino.
Umaasa si De Lima na tanging sambayanan ang poprotektahan ni Remulla at hindi ang nagtalaga sa kanya, mga kaanak, at mga kaalyado sa politika.
Panawagan ni De Lima kay Remulla na bilisan na ang imbestigasyon at paghahain ng mga kaso hindi lang sa maanomalyang flood control projects, kundi pati na rin sa iba pang talamak na katiwalian, pandarambong, at sabwatan sa pamahalaan.
Hiling ni De Lima kay Remulla na pakinggan ang sigaw ng taumbayang galit na galit na sa katiwalian.
Giit ni De Lima, walang dapat sinuhin at santohin sa imbestigasyon, at sinuman ang tatamaan ay dapat kasuhan at panagutin.









