Omicron variant sublineage BA.2, laganap na sa bansa ayon sa Philippine Genome Center

252

Simula noong pumasok ang 2022, naging dominant na sa bansa ang Omicron variant.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Philippine Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma na base sa kanilang na-sequence halos lahat ay Omicron variant na at mangilan-ngilan na lamang ang Delta variant.

Samantala, karamihan naman sa mga ito ay Omicron variant sublineage BA.2 o Stealth Omicron.


Ayon kay Dra. Saloma, laganap ang BA.2 partikular sa Metro Manila at Calabarzon.

Paliwanag nito, sa 517 kabuuan na kanilang na sequence mula sa Omicron lineage 336 dito ang BA.2 habang nasa 180 naman ang BA.1.

Sa local cases, mula sa 336 samples 248 dito ang BA.2 na na-detect karamihan ay sa Metro Manila.



Ang kagandahan lamang aniya dito ay mild lamang ang sintomas ng naturang variant o hindi naman kaya ay asymptomatic.

Facebook Comments