OMPONGPH | NDRRMC, pansamantalang nawalan ng komunikasyon sa kanilang field units

20

Wala pang bagong report na pumapasok sa NDRRMC National Operations Center sa epekto ng pananalasa ng bagyong Ompong sa Northern Luzon mula kagabi.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Edgar Posadas, pansamantalang wala silang komunikasyon sa kanilang mga field units sa rehiyon sa kasalukuyan.

Ito ay dahil sadya nilang ibinaba ang kanilang mga communications antenna sa mga lugar na dinaanan ng mata ng bagyo upang hindi mapinsala ang mga ito.

Aniya, agad din nilang ibabalik ang mga communications antenna as soon as possible.

Inaasahan aniya nila na papasok maya-maya lang ang mga reports mula sa kanilang mga field units sa Region 1,2,3 at CAR.

Facebook Comments