ON FIRE | Stuntman, nakakuha ng 2 panibagong record

24

England – Isang stuntman mula sa England ang nakakuha ng dalawang panibagong record matapos mag-perform ng death defying stunts sa harap ng maraming tao sa Huddersfield Rugby Union Football Club sa West Yorkshire.

Nagawa ng stuntman na si Antony Briton na tumakbo ng 100 meters sa loob ng 24.58 seconds habang nagliliyab ang suot-suot nito.

Pero, hindi pa nakuntento si Antony at inulit ang kaniyang stunts kung saan nakatakbo siyang muli sa laoyng 204.23 meters.

Dahil dito, nakuha niya ang record sa pinakamabilis na nakatakbo ng 100 meters at pinaka-malayong natakbo habang nagliliyab.

Nabatid na ginawa ni Antony ang stunt para makalikom ng pondo para sa isang charity kung saan inaalagaan nila ang mga batang may cancer.

Facebook Comments