‘One Government’ approach, gagamitin na sa harap ng muling pamamayagpag ng illicit vape trade

Muli na naman umanong naging agresibo ang naitatalang iligal na aktibidad ng illicit vape products, partikular sa online activities at mga vape shop.

Dahil sa naturang mga pumapasok na intelligence reports, inanunsyo ni Bureau of Internal Revenue o BIR Commisioner Commissioner Romeo Lumagui Jr., ang paglulunsad ng isang one-government approach o isang nationwide activity na may layong i-consolidate ang law enforcement efforts ng mga sangay ng gobyerno.

Hindi na lang ang BIR at DTI ang kikilos, kundi magiging aktibo na rin ang Department of Health (DOH) at ang buong police power arm ng pamahalaan sa isang nagkakaisang pagkilos.

Magugunita na sa isinagawang pagdinig ng Senate Ways and Means Committee, inihayag ng mga kinatawan ng vape industry na tinatayang nasa 70 hanggang 80 percent ng vape products na umiikot sa merkado ay maituturing na ilegal.

Facebook Comments