One Hospital Command Center, itinatayo na rin sa iba pang rehiyon sa bansa

32

Hindi lamang sa Metro Manila itatayo ang One-Hospital Command Center.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega na sinisimulan na rin ang pagtatayo ng regional One Hospital Command Centers.

Layon aniya nitong maikonekta ang bawat isla sa bansa para sa mabilis na pagtugon sa COVID-19.

Paliwanag pa ni Vega, naging malaking tulong ang ibinigay na private automatic branch exchange ng PCSO na isang telephone switching system para maikonekta ang mga linya ng komunikasyon ng One Hospital Command Center sa regional One Hospital Command Centers.

Facebook Comments