One-on-one interview ni Panelo kay PRRD, ipinagpaliban!

69

Hindi natuloy ang nakatakda sanang one-on-one interview ni Presidential spokesperson Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.

Sa abiso sa Malacañang Press Corps (MPC), nagkaroon ng “pressing matters” na hindi na ipinaliwanag pa ni Panelo kaya at hindi natuloy ang interview sa Pangulo.


Iniurong na lamang ang one-on-one interview sa Martes, January 28 ng alas-5:00 ng hapon sa Rizal Hall ng Palasyo.

Una nang sinabi ni Panelo na sesentro sa iba’t-ibang issue na may kinalaman sa national interest at concern ang magiging talakayan nila ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments