ONE-ON-ONE | SAP Bong Go, hinamon si Senador Trillanes

185

Manila, Philippines – Hinamon ng One on One ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go si Senador Antonio Trillanes na panay ang banat sa Administrasyon.

Matatandaan na sinabi ni Trillanes na nagdadrama lang sina Go at Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at sinasabing hindi tatakbo para sa Senatorial Election sa susunod na taon.

Sa isang Interview kay Go kaninang umaga ay sinabi nito na hindi niya mapipigilan ang kanyang mga followers na magkabit ng kanyang mga posters sa EDSA at iba pang lugar sa bansa.

pabiro pang sinabi ni Go na pakikiusapan pa niya ang kanyang mga supporters na isama sa kanyang larawan ang larawan ni Trillanes para hindi na ito mainggit.

Pero hinamon nalang ni Go si Trillanes ng one-on-one para matigil na ito at bahala na ang senador kung suntukan, basketball o masinsinang paguusap lamang.
Bahala narin aniya si Trillanes na magsabi kung kailan at kung saan basta pupunta nalang siya doon.

Ang paghamon ni Go kay Trillanes ay ginawa sa kanyang pagdalaw sa mga batang may Cancer sa Philippine Children’s Medical Center sa Quezon City na napiling beneficiary ng Malacanang Kamao basketball team na nanalo sa UNTV Cup kung saan may isang milyong pisong premyo.

Facebook Comments