ONE-STOP SHOP | Konsulada ng Pilipinas sa Jeddah, nagpadala ng isang team sa isa sa mga probinsya ng Saudi

67

Manila, Philippines – Nag-deploy ng team ang Philippine Consulate General sa Jeddah sa isa sa mga Filipino community sa Taif, Makkah sa bahagi ng Southwest Saudi Arabia.

Layon ng team na pinamumunuan ni Consul General Edgar Badajos, na dalhin ang one-stop shop service sa mga kababayan natin upang hindi na sila magbyahe pa papuntang Jeddah.

Nabatid na ang Taif ay 200 kilometro ang layo mula sa Southeast ng Jeddah Saudi Arabia.

Kasama din ang mga kinatawan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), Department of Social Welfare and Development (DSWD), PAG-IBIG at Social Security Services (SSS) sa pagbisita sa ating mga kababayan.

Kabilang sa serbisyong handong ng grupo ang passport, civil registration, authentication at notarial services maging voters registration para sa 2019 midterm elections.

Facebook Comments