One-stop shop sa mga gun owners at security guards, ilalagay na rin ng PNP sa mga SM malls

166

Pinaplano ng Philippine National Police (PNP) na maglagay mga one-stop shop para sa mga gun owners at security guards sa lahat ng SM malls sa buong bansa.

Sinabi ito ni PNP Chief PGen. Debold Sinas matapos pangunahan ang pagpapasinaya ng Civil Security Group (CSG) Extension office sa SM Mall of Asia sa Pasay City kahapon.


Ang bagong CSG Extension office ay pwedeng pagkunan ng National Police Clearance, License to Own and Possess Firearms (LTOPF), lisensya ng baril, at may tanggapan ng Crime lab para naman sa drug test at neuro test.

Sinabi ni PNP Chief, kung maganda ang response ng publiko sa bagong satellite office, magtatayo pa sila ng karagdagang CSG Extension Offices sa SM North at sa SM Megamall, at kinalaunan ay sa iba pang SM malls sa buong bansa.

Sa pamamagitan ng satellite offices sa mga mall, magiging mas kumbinyente na sa publiko ang pagkuha ng mga papeles na karaniwang pinipilahan sa mga tanggapan sa loob ng Camp Crame.

Ito ay parte ng pagsisikap ng PNP na mapahusay ang paghahatid ng kanilang frontline services, sa ilalim ng “New Normal”.




Facebook Comments