Online app system ng LTFRB para sa mga TNVS, bubuksan na

Simula bukas, July 24 tatanggap na ng online appointment ang LTFRB para sa pag-proseso ng provisional authority ng Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Ibig sabihin ayon kay LTFRB Technical Division Chief Joel Bolano – hindi na kailangang pumila sa kanilang opisina ang mga TNVS operator.

Wala ring tatanggaping walk-in provisional authority transaction ang LTFRB bukas.


Alas 8:00 ng umaga magbubukas ang online appointment system ng LTFRB oras na mag-online na rin ang website ng ahensya.

Aabot sa 1,000 aplikante ang tatanggapin ng LTFRB kada araw.

Facebook Comments