Online campaigning, ipinadadaan muna sa konsultasyon at masusing pag-aaral ng Comelec

66

Pinagsasagawa nila CIBAC Partylist Reps. Bro. Eddie Villanueva at Domeng Rivera ang Commission on Elections (Comelec) ng masusing pag-aaral at konsultasyon kaugnay sa isinusulong na i-ban ang “face-to-face” o pisikal na pangangampanya ng mga kandidato sa 2022.

Giit nila Villanueva at Rivera, mahalagang maaral at maikonsulta muna ang “online campaigning” dahil ito ay may parehong “pros at cons”.


Mahalaga anilang isaisip at unahin kung paano titimbangin ang dekalidad at sinseridad ng mga kandidato kung ang pangangampanya ay gagawin lamang sa online.

Dagdag ng mga mambabatas, mismong ang Comelec na ang nagsabing hindi pa naman pinal ang planong ipagbawal ang “face-to-face” na kampanya kaya makabubuti kung kukunin na muna ng komisyon ang posisyon ng mga tao upang makakuha ng mga paraan ng pangangampanya na maaaring gawin nang may balanse, may pagtalima sa health protocols at tiyak na partisipasyon ng mga botante.

Isa aniya sa dapat makonsulta ng Comelec ay ang mga nasa probinsya at malalayong lugar lalo’t problema ang mabagal at kawalan ng internet connectivity.

Facebook Comments