Online course na Whang-Od academy, tinanggal ng Nas Daily dahil sa pagiging ‘scam’

Inalis ng online content creator na si Nuseir Yassin, na siyang nangangasiwa sa Facebook page na Nas Daily ang online course kung saan na-feature ang tattoo master na si Apo Whang-Od.

Ito ay matapos tawaging ‘scam’ ng apo ang tattoo master ang online course.

Ayon kay Gracia Palicas, tattoo artist at apo ni Apo Whang-Od, hindi lumagda ng anumang kontrata ang kaniyang lola sa Nas Daily.


Nanawagan naman ito na tuluyan nang itigil ang online course, dahil maituturing itong paglabag sa legasiya ni Whang-Od at ng tribong Butbut.

Hunyo nang ianunsyo ng vlogger ang umano’y partisipasyon nito sa “Nas Academy” ni Yassin.

Nakasaad pa sa anunsyo na kasama sa Nas Academy ang ilang celebrities at online personalities tulad nina Miss Universe 2018 Catriona Gray, fashion designer na si Michael Cinco at news anchor na si Jessica Soho.

Si Whang-Od ay kilalang isa sa pinakamatatandang “mambabatok” o traditional tattoo artist mula sa Butbut tribe sa Buscalan, Kalinga.

Facebook Comments