Online petition ng grupong DAVAO para sa pagsusulong ng revolutionary government, nagpapatuloy

41

Manila, Philippines – Patuloy na gumugulong ang onlinepetition ng grupong Duterte Alliance of Volunteers Artist Organizations (DAVAO)para sa pagsusulong ng revolutionary government.
  Sa interview ng RMN sa aktess at isa sa mga Duterte advocatena si Vivian Velez – target nilang makalikom ng dalawang milyong boto paraipanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng revolutionarygovernment na magiging daan patungong pederalismo.
  Naniniwala rin si Velez na malaki ang maitutulong ngfederal form of government sa bansa.
  Bukod sa federalism, sa ilalim ng isinusulong nilangrevolutionary government ay ang pagpapawalang bisa ng 1987 constitution atmuling pagtatatag ng 1973 constitution, pagsugpo sa korapsyon at pagbawi satago at nakaw na yaman sa kaban ng bayan at pagpuksa sa mga sindikato ng ilegalna droga at iba pang krimen.

Facebook Comments