ONLINE REGISTRATION PARA SA MGA MAGPAPABAKUNA SA SAN QUINTIN UMIIRAL

18

Umiiral ngayon sa bayan ng San Quintin ang online registration para sa mga nagnanais magpabakuna na siya ring magiging prayoridad na bakunahan sa bayan.

Nakatakda ng bakunahan ang mga A4 groups na kung saan kabilang dito ang mga street food vendors, food stall crews, delivery drivers, janitor at iba pa na nagtatrabaho sa mga establisyemento na pagkain ang pangunahing produkto.


Ang nasabing online registration ay upang maiwasan umano ang kumpulan ng mga tao pagdating sa araw ng pagbabakuna, ang mga nagpaparehistro online ay ang mga mauunang mababakunahan.

Samantala, patuloy pa ring hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng bayan ang mga residente na magpabakuna para maprotektahan sa COVID-19.

Facebook Comments