Online shopping platform, sinita sa pagdinig ng Senado dahil sa umano’y ibinebentang marijuana

Sinita ni Senator Raffy Tulfo ang isang online shopping platform matapos mapag-alaman ang umano’y nakakalusot na bentahan ng marijuana.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means ay ibinunyag ni Tulfo na ₱2,500 ang presyo ng bentahan ng marijuana sa Shopee.

Tinukoy rin ng senador ang laganap din na bentahan ng sex toys sa naturang platform.


Sinabi naman ni Atty. Jem Hans-Segovia, public affairs chief ng Shopee, na hindi nila pinapayagan ang pagbebenta ng marijuana sa kanilang platform.

Humingi ng detalye si Segovia kaugnay sa impormasyon ng senador upang maaksyunan nila ito.

Inutusan naman ni Tulfo ang Philippine National Police (PNP) na hulihin ang mga nagbebenta ng marijuana sa Shopee at ayon pa sa mga otoridad may mga nahuhuli sila sa mga buy-bust operations pero wala pa sa mga online sellers.

Facebook Comments